Pagpapakilala

Mga Salita sa Bible



Salvation (Kaligtasan)
Ang kasalanan ang nakakapaghiwalay sa atin sa Diyos, at dahil dito hindi natin makakasama ang Diyos sa langit kapag tayo ay namatay. Inako ni Jesus ang parusa para sa ating mga kasalanan noong mamatay siya sa krus. Noong tayo ay maniwala kay Jesus, tayo ay naligtas  at nakatanggap  ng buhay na walang hanggan. (Acts 4:12, Ephesians 2:8).

Faith (Pananampalataya)

Pagtitiwala at pananalig sa Diyos, paniniwala sa isang bagay kahit na hindi natin ito nakikita.(Hebrews 11:1).

Grace (Biyaya)
Kahit na deserve natin ang parusa galing sa Diyos, minamahal niya tayo, pinatawad at pinagaling. (Romans 5:8).

Sin (Kasalanan)
Anumang maling kaisipan, salita or gawa laban sa Diyos, sa kapwa o sa ating sarili.(Romans 3:23, 6:23).

Repentance (Pagsisisi)
Pagbabago mula sa pamumuhay ayon sa sariling paraan tungo sa pamumuhay ayon sa Diyos, pagbabago ng ating paraan ng pag-iisip at pag-uugali. (2 Corinthians 7:9-10).

Righteous (Matuwid)
Pagiging matuwid sa harap ng Diyos, pagkakaroon ng maayos na relasyon sa Diyos (Romans 3:22, James 2:23)

Prayer (Panalangin)
Pakikipagusap sa Diyos (Matthew 6:5-13, 1 Thessalonians 5:17).

Water Baptism (Bautismo sa Tubig)
Paglubog sa tubig bilang pagpapakita sa karamihan ng personal na desisyon na pagbabago, paniniwala kay Jesus at pagiging Kristyano. (Acts 2:38, Romans 6:3-4).

Church (Simbahan)
Pagsasama-sama o pagtitipon ng mga tao para i-encourage and bawat isa at magpuri sa Diyos. (Matthew 18:20, Hebrews 10:25).

Trinity
Ang pagiging isa ng tatlo. Isa lang ang ating Diyos at meron siyang tatlong persona: Ang Diyos Ama, Diyos Anak na si Jesus at ang Holy Spirit. (Matthew 28:19).

Resurrection (Muling Pagkabuhay)
Si Jesus ay muling nabuhay pagkalipas ng tatlong araw mula sa kanyang pagkamatay sa Cross. (Mark 16:1-8, 1 Corinthians 15:12-32).

Easter (Pasko ng Pagkabuhay)
Ito ay kadalasang ipinagdiriwang  tuwing Marso o Abril bilang paggunita sa pagkamatay at muling pagkabuhay ni Jesus at kung ano ang naidulot nito sa atin. (Matthew 26:1-28:20).

Christmas (Pasko)
December 25th, kung kelan natin ipinagdiriwang ang kapanganakan ni Jesus Christ, at kung kailan  ang Diyos ay naging tao katulad natin. (Luke 1:26-80, 2:1-40).

Christian (Kristyano)
Mga tao na sumusunod teaching ni Jesus Christ (1 Corinthians 11:1).

Evangelism
Paghahayag ng mabuting balita tungkol kay Jesus at kung ano ang ginawa nya para sa atin at ibang tao. (Matthew 28:18-20).

Study Topics