Pagpapatibay ng Aking Relationship Kay Jesus

Pananampalataya



I-focus ang Iyong Mga Mata kay Jesus

Ano ang pananampalataya? Ayon sa Hebrews 11:1 “Faith, ito yung pagiging sure sa mga inaasahan nating mangyayari, at pagiging sigurado sa mga bagay kahit hindi pa nakikita.”

Ang pananampalataya ay ang pagiging 100% sigurado tungkol sa mga bagay na hindi pa natin nakikita. Ang pananampalataya ang unang hakbang sa paglapit sa Diyos at sa kaligtasan, at ito ang batayan ng ating buhay bilang Christian. Basahin natin ang story tungkol kay Peter sa  Matthew 14:22-33

.

Pakinggan ang Salita ng Diyos

Sa Matthew 14:29, sinabi ni Jesus kay Peter na lumakad sa tubig papunta sa kanya. Ang pananampalataya ay tungkol sa ating  pagkakaalam at paniniwala sa Salita ng Diyos sa pamamagitan ng Bible. 

Saan nanggagaling ang pananampalataya?

Kanino at saan inilagay ni Abraham at Sarah ang kanilang pananampalataya?

Lumakad ng may Pananampalataya

Ano ang ginawa ni Peter nang sinabi ni Jesus na lumapit sa Kanya?

Bakit hindi sapat na malaman lang natin ang Salita ng Diyos?

Panatilihing I-focus ang Iyong Mga Mata kay Jesus

Bakit nagsimulang lumubog sa tubig si Peter?

Paano pinapahina ng ating mga nakikita ang ating pananampalataya?

Paano tayo mananatili sa ating pananampalataya?

Huwag Mag-Alinlangan!

Paano nakaka-apekto ang pag-aalinlangan sa atin at sa ating pananampalataya?

In Matthew 14:31, Jesus challenged Peter about his faith.

Anu-ano ang mga dahilan kung bakit hindi dapat tayo mag-doubt?

Ask a Friend

Maaari ka bang magbahagi ng iyong karanasan tungkol sa pananampalataya?

Paano mo napagtagumpayan ang pag-aalinlangan?

Application

Mag-isip ng verse o pangako sa Bible na recently ay pinapaalala sa atin ng Diyos. Panghawakan ang salitang iyon, gisingin ang iyong pananampalataya at mag-isip ng paraan upang ito ay maisabuhay.

Basahin ang Hebrews 11,  tungkol sa ilang mga taong may dakilang pananampalataya at ang kanilang mga dakilang nagawa.

Prayer Model

Panginoong Hesus, Lord Jesus, pinapasalamatan Kita dahil ang Iyong Salita ay makapangyarihan at totoo. Panghahawakan ko ang Iyong Salita at ifo-focus ko ang paningin ko sa Iyo. Naniniwala ako sa Iyo at nagpapasalamat sa mga gagawin mo sa buhay ko.

Key Verse

Study Topics