Undeserved na Kabutihan ng Diyos para sa Atin
Ang Grace ay ang undeserve na kabutihan ng isang makapangyarihan sa mahina. Matututunan natin ang ibig sabihin ng “God’s Grace” sa pagbabasa ng kwento tungkol sa kung paano iniligtas ni Jesus ang isang babae mula sa kamatayan. Sa pamamagitan ni Jesus, ipinakita ni Diyos ang kanyang Grace at ginawa niya itong available para sa atin.
Ang Grace ni Jesus para sa isang Babae
(3) Dumating noon ang mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo na may dalang isang babaing nahuli sa pangangalunya. Iniharap nila ito sa karamihan,
(4) at sinabi kay Jesus, “Guro, ang babaing ito’y nahuli sa aktong pangangalunya.
(5) Ayon sa Kautusan ni Moises, dapat batuhin hanggang sa mamatay ang mga katulad niya. Ano naman ang masasabi ninyo?”
Ayon sa batas, anong kaparusahan ang nararapat sa babae?
(6) Itinanong nila ito upang subukin siya, at nang may maiparatang sila laban sa kanya. Ngunit yumuko lamang si Jesus at sumulat sa lupa sa pamamagitan ng daliri.
(7) Patuloy sila sa pagtatanong kaya’t tumayo si Jesus at nagsalita, “Ang sinuman sa inyo na walang kasalanan ang siyang maunang bumato sa kanya.”
(8) At muli siyang yumuko at sumulat sa lupa.
(9) Nang marinig nila iyon, sila’y isa-isang umalis, simula sa pinakamatanda. Iniwan nila ang babaing nakatayo sa harap ni Jesus.
Paano niligtas ni Jesus ang babae?
(10) Tumayo si Jesus at tinanong ang babae, “Nasaan sila? Wala na bang humahatol sa iyo?”
(11) “Wala po, Ginoo,” sagot ng babae. Sinabi ni Jesus, “Hindi rin kita hahatulan. Umuwi ka na, at mula ngayon ay huwag ka nang gumawa ng kasalanan.”
Inakusahan ba o pinarusahan ba ni Jesus ang babae? Ano ang kanyang ginawa?
Ang Apila ni Jesus para sa Atin
Romans 3:23 (RTPV05)
(23) Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.
Romans 6:23 (RTPV05)
(23) Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang libreng kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan, sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.
Saan ba tayo guilty? Ano ba ang nararapat para sa atin?
(8) Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo’y makasalanan pa.
Paano ipinakita ng Diyos ang Kanyang pagmamahal sa atin?
(13) Kayong dating patay dahil sa kasalanan, kayong mga Hentil na hindi nasasakop ng Kautusan ay binuhay ng Diyos na kasama ni Cristo. Pinatawad niya ang ating mga kasalanan at
(14) pinawalang-bisa ang lahat ng naisulat na alituntunin laban sa atin, pati ang mga pananagutang kaugnay nito. Pinawi niya ang lahat ng ito nang ipako siya sa krus.
(15) Sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus, nilupig niya ang mga pinuno at kapangyarihan ng sanlibutan. Ang mga ito’y parang mga bihag na kanyang ipinarada sa madla bilang katunayan ng kanyang pagtatagumpay.
Ano ang ginawa ni Jesus sa ating mga kasalanan?
(14) Kaya nga, magpakatatag tayo sa ating pananampalataya, dahil mayroon tayong Dakilang Pinakapunong Pari na pumasok na sa kalangitan, doon mismo sa harap ng Diyos. Siya’y walang iba kundi si Jesus na Anak ng Diyos.
(15) Ang ating Pinakapunong Paring ito ay nakakaunawa sa ating mga kahinaan sapagkat tulad natin, tinukso siya sa lahat ng paraan, subalit kailanma’y hindi siya nagkasala.
(16) Kaya’t huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging Diyos upang makamtan natin ang habag at kalinga sa panahon ng ating pangangailangan.
Paano naging taga-pamagitan (mediator) si Jesus para sa atin?
Naligtas Tayo sa Pamamagitan ng Grace
(22) Pinapawalang-sala ng Diyos ang lahat ng sumasampalataya kay Jesu-Cristo, sa pamamagitan ng kanilang pananalig sa kanya, maging Judio man o Hentil.
(23) Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.
(24) Ngunit dahil sa kanyang kagandahang-loob, sila ay pinawalang-sala na niya sa pamamagitan ni Cristo Jesus na siyang nagpapalaya sa kanila.
(25) Siya ang inialay ng Diyos bilang handog, upang sa pamamagitan ng kanyang dugo ay mapatawad ang kasalanan ng lahat ng sumasampalataya sa kanya. Ginawa ito ng Diyos upang patunayang siya’y matuwid. Noong unang panahon, nagtimpi siya at ipinagpaumanhin ang mga kasalanang nagawa ng mga tao.
(26) Ngunit ngayon ay tuwirang ipinapakita ng Diyos na siya’y matuwid at siya ang nagpapawalang-sala sa mga sumasampalataya kay Jesus.
Paano tayo tinatanggap ng Diyos?
(1) Kaya nga, hindi na hahatulang maparusahan ang mga taong nakipag-isa na kay Cristo Jesus.
(2) Wala na ako sa kapangyarihan ng kasalanan at kamatayan sapagkat pinalaya na ako ng kapangyarihan ng Espiritung nagbibigay-buhay sa pamamagitan ni Cristo Jesus.
Ano ang ibig sabihin ng victory ni Jesus para sa atin?
Sabi ni Jesus sa babae, “ huwag ka nang gagawa ulit ng kasalanan”
(11) “Wala po, Ginoo,” sagot ng babae. Sinabi ni Jesus, “Hindi rin kita hahatulan. Umuwi ka na, at mula ngayon ay huwag ka nang gumawa ng kasalanan.”
.
(8) Patunayan muna ninyo sa inyong mga buhay na kayo’y talagang nagsisisi na,
Paano tayo dapat mamuhay pagkatapos natin ma-receive ang Grace ni God?
Ask a Friend
Pwede ka bang mag-share kung paano ipinakita ni God sayo ang Kanyang grace?
May iba ka pa bang tanong tungkol sa grace?
Application
Sa paanong paraan tayo nahahawig doon sa babae sa story?
Paano natin mare-receive ang grace ni God?
Paano mababago ng grace ni God ang ating buhay?
Prayer Model
Lord Jesus, salamat sa Iyong grace. Salamat sa pagliligtas sa akin sa kaparusahan ng aking mga kasalanan. Tinatanggap ko ang Iyong grace, kapatawaran, bagong buhay, at kalayaan.
Key Verse
(23) Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.
(24) Ngunit dahil sa kanyang kagandahang-loob, sila ay pinawalang-sala na niya sa pamamagitan ni Cristo Jesus na siyang nagpapalaya sa kanila.