Nakakatulong ang araw-araw na pagbabasa at pag-mumuni-muni ng salita God para tayo ay lumago an mas maging malapit sa Diyos. Ang mga gabay tulad ng mga nakasulat sa ibaba ay makakatulong sayo para makasanayan mong magbasa at gamitin ang salita ng Diyos sa pang-araw-araw mong buhay.
Ang Bible Reading Plan ay makakatulong sayo kung ano yung babasahin mo sa bawat araw. Gamitin ang pagkakataon na ito para alamin kung ano ang sinasabi ng Diyos sayo, at maging handa na i-share ang salita ng Diyos sa mga kaibigan mo.
Journaling Model
1. Isulat ang petsa.
2. Isulat “Theme” sa tabi ng petsa (papalitan natin ito mamaya).
3. Ilagay ang mga Bible verse na babasahin mo para sa araw na ‘yon.
4. Isulat mo ang mga naisip mo tungkol sa nabasa mo, magsama ng isa or ilang mga bagay na pinaka-tumatak sa isip mo.
5. Ayon sa mga naisip mo, magsulat ka ng gusto mong ipagdasal.
6. Balikan ang tema na sinulat sa may tabi ng petsa at lagyan ito ng laman.
Pagkaraan ng ilang linggo, mapapansin mo kung ano ang gustong mensahe sa’yo ng Diyos.
Halimbawa Ng Isang Journal
Ika-22 ng Enero
Matthew 13:1-24
• Ang magsasaka (ang Diyos), ay laging naghahasik ng mga binhi (ang Salita Niya)
• Depende sa huhulugang lupa kung magbubunga ba ang binhi
• Ang binhi ay ang katotohanan tungkol sa Diyos
• Ang mga binhi na nahulog sa magandang lupa ay nagbubunga at dumadami nang higit pa sa doble.
Key – Dapat ihanda ko ang puso ko para maging katulad ng magandang lupa para sa binhi ng Diyos.
Prayer – Panginoon, ihanda po Ninyo ang puso ko sa pakikinig ng Salita Niyo sa araw na ‘to.
* * *