Pagdinig sa Salita ng Diyos
Makakaasa tayong makikipag usap satin si God araw araw, or kung gaano man natin kadalas basahin ang Bible. Ang Journaling ay ang pag-sulat ng personal application ng salita ng Diyos sa buhay natin. Tunay na ieencourage tayo ng salita ni God at tutulungan nito tayong lumago.
Ang Salita ng Diyos
Paano tayo ma-iencourage at ma-inspire ng sumusunod na verses para basahin ang salita ni God?
(1) Mapalad ang taong hindi nakikinig sa payo ng masama, at hindi sumusunod sa masama nilang halimbawa. Hindi siya nakikisama sa mga kumukutya at hindi nakikisangkot sa gawaing masala.
(2) Sa halip, kasiyahan niyang sumunod sa kautusan ni Yahweh. Binubulay-bulay niya ito sa araw at gabi.
(3) Katulad niya’y punongkahoy sa tabi ng isang batisan, laging sariwa ang dahon at namumunga sa takdang panahon. Ano man ang kanyang gawin, siya’y nagtatagumpay.
(12) Ang salita ng Diyos ay buháy at mabisa, mas matalas kaysa alinmang tabak na sa magkabila’y may talim. Ito’y tumatagos maging sa kaibuturan ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at buto, at nakakaalam ng mga iniisip at binabalak ng tao.
Pakikinig sa Diyos
(4) Ngunit sumagot si Jesus, “Nasusulat, ‘Ang tao’y hindi lamang sa tinapay nabubuhay, kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos.’”
Kailangan natin mag-hangad ng salita ng Diyos para makareceive tayo ng salita galing kay God.
Basahin ang sumusunod na verse: Ano ang kailangan nating iinvolve sa pag-basa ng Bible? Mag-bigay ng example kung paano ito gawin.
(8) Huwag mong kaliligtaang basahin ang aklat ng kautusan. Pagbulay-bulayan mo iyon araw at gabi upang matupad mo ang lahat ng nakasaad doon. Sa ganoon, magiging masagana at matagumpay ang iyong pamumuhay.
(15) Ngunit saiyo, Yahweh, ako’y may tiwala, aking Diyos, ika’y tiyak na tutugon.
(24) “Kaya’t ang bawat nakikinig at nagsasagawa ng mga salita kong ito ay maitutulad sa isang taong matalino na nagtayo ng kanyang bahay na ang pundasyon ay bato.
(25) Umulan nang malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang bahay na iyon, ngunit hindi nagiba sapagkat nakatayo iyon sa bato.
(26) Ang bawat nakikinig ng aking salita ngunit hindi naman nagsasagawa ng mga aral na ito ay maitutulad naman sa isang taong hangal na nagtayo ng kanyang bahay sa may buhanginan.
(27) Umulan nang malakas, bumaha at binayo ng malakas na hangin ang bahay. Ito ay bumagsak at lubusang nawasak.”
Pre-Journaling Prayer Model
Magandang idea na mag-pray muna bago mag-basa ng Bible, “Jesus, kausapin mo ako ngayon.”
Journaling Activity
Start by reading the New Testament. Magandang introduction ang The book of Mark sa pag-babasa ng Bible.
(1) Ito ang Magandang Balita tungkol kay Jesu-Cristo, ang Anak ng Diyos.
(2) Nagsimula ito noong matupad ang isinulat ni propeta Isaias, “Narito ang sugo ko na aking ipadadalang mauuna sa iyo; ihahanda niya ang iyong daraanan.
(3) Ito ang pahayag ng isang taong sumisigaw sa ilang: ‘Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon, gumawa kayo ng mga tuwid na landas na kanyang lalakaran!’”
(4) At dumating nga sa ilang si Juan, na nagbabautismo at nangangaral. Sinabi niya sa mga tao, “Pagsisihan ninyo’t talikuran ang inyong mga kasalanan at pabautismo kayo, upang kayo’y patawarin ng Diyos.”
(5) Halos lahat ng taga-Judea at taga-Jerusalem ay pumunta kay Juan. Ipinahayag nila ang kanilang mga kasalanan at sila’y binautismuhan niya sa Ilog Jordan.
(6) Hinabing balahibo ng kamelyo ang damit ni Juan, at balat naman ng hayop ang kanyang sinturon. Ang kanya namang pagkain ay balang at pulot-pukyutan.
(7) Ito ang ipinapahayag niya sa mga tao, “Ang darating na kasunod ko ay higit na makapangyarihan kaysa sa akin. Ni hindi ako karapat-dapat yumukod at magkalas man lamang ng tali ng kanyang sandalyas.
(8) Binautismuhan ko kayo sa tubig, ngunit babautismuhan niya kayo sa Espiritu Santo.”
(9) Nang panahong iyon, dumating si Jesus mula sa Nazaret sa Galilea, at siya’y binautismuhan ni Juan sa Ilog Jordan.
(10) Pagkaahung-pagkaahon ni Jesus sa tubig, nakita niyang bumukas ang kalangitan at bumababa sa kanya ang Espiritu na tulad ng isang kalapati.
(11) Narinig niya ang isang tinig na mula sa langit at nagsasabing, “Ikaw ang minamahal kong Anak; lubos kitang kinalulugdan.”
(12) Pagkatapos, sa kapangyarihan ng Espiritu, si Jesus ay pumunta sa ilang.
(13) Nanatili siya roon nang apatnapung araw, at doo’y tinukso siya ni Satanas. Doon ay may mababangis na hayop ngunit si Jesus ay pinaglingkuran ng mga anghel.
(14) Nang ibinilanggo na si Juan, si Jesus ay nagpunta sa Galilea at ipinangaral doon ang Magandang Balitang mula sa Diyos.
(15) Sinabi niya, “Dumating na ang takdang panahon. Malapit nang maghari ang Diyos! Kaya magsisi na kayo’t talikuran ang inyong mga kasalanan. Paniwalaan na ninyo ang Magandang Balita!”
Date:
Title / Theme: (sagutan sa huli)
Verse:
Application / Prayer:
Pagusapan Natin
Ano ang sinabi sa’yo ng Diyos sa nabasa mong verse?
Application
Ano ang kailangan mong gawin para makasanayan mag-journal araw-araw?
Prayer Model
Mag-dasal tungkol sa kung ano ang natutunan mo sa binasa mo ngayong araw.
Key Verse
“At ang katulad naman ng binhing napahasik sa matabang lupa ay ang mga taong dumirinig at umuunawang mabuti sa mensahe, kaya’t ito ay namumunga nang sagana, may tigsasandaan, may tig-aanimnapu, at may tigtatatlumpu.”