Pagtatatag ng Matibay na Pundasyon

Ang Pagpatong ng Kamay: Part 1



Sa Old Testament (OT), ang pagpatong ng kamay ay isang tradisyon at simbolo ng paglipat ng kapangyarihan o kasalanan, biyaya, mana, dangal, authority at leadership. Sa New Testament (NT) naman, ito ay impartation, pag-identify, pag-confirm, pagbabahagi ng pagpapala at pagbibigay ng authority para gawin ang ministry. Dito sa study na ito (at sa susunod na study), ating makikita ang tungkol sa 8 areas kung saan ginagamit ang pagpatong ng kamay.

Ang Pagpatong ng Kamay Ay:

1. Para I-impart ang Kasalanan sa Iaalay na Offering. (OT only)

Ang paghahandog ng alay ay isinasagawa ng mga pari at leaders sa ngalan ng buong kongregasyon.

Bakit sila nagpatong ng kamay sa mga hayop at inihandog bilang sacrifice?

Bakit ngayon, hindi na natin kailangan magpatong ng kamay sa mga hayop at ihandog bilang sacrifice?

2. Para I-impart ang Karunungan, Karangalan at Authority (karaniwan para sa susunod na generation).

Ano ang na-impart kay Joshua?

Paano ito isinagawa?

3. Para I-impart ang Anointing.

Sa Hebrew ang anointing ay “pagpapahid ng langis sa pamamagitan ng kamay”.

Anong anointing ang na-impart sa bawat halimbawa?

4. Para I-impart ang Pagpa-pagaling.

Sino ang pwedeng magpatong ng kamay at mag-pray ng kagalingan?

Kailangan ba natin mag-expect na gagaling ang isang tao?

5. Para sa Baptism sa Holy Spirit.

Ano ang mga nangyari nung ipinatong nila ang kanilang kamay?

Ask

Naranasan mo na bang ma-baptise sa Holy Spirit?

Kung hindi mo pa nare-receive ang kapangyarihan ng Holy Spirit, hingin mo sa leader mo na i-impart ang Baptism ng Holy Spirit sa pamamagitan ng pagpatong ng kamay.

Application

Ayon sa iyong pagkakaintindi sa pagpatong ng kamay, paano natin matutulungan ang mga taong may sakit o nakakaranas ng hurt?

Prayer Model

Lord Jesus, salamat sa Iyong anointing at sa Holy Spirit na nananahan sa akin. Gamitin mo ako. Gamitin mo ang aking mga kamay na magbahagi ng biyaya sa ibang tao, lalo na sa susunod na generation.

Key Verse

Study Topics