Pagtatayo na “Bato” ang Pundasyon
Maraming naiturong mga bagay si Jesus sa Bible na makakatulong sa buhay natin. Sa kwentong ito na itinuro ni Jesus, malalaman natin ang kahalagahan ng pagtatayo ng buhay natin sa matibay na pundasyon.
Pagtatayo ng iyong buhay
Ayon sa kwento, ano sa tingin mo ang nire-represent ng “bahay”?
Ano ang pagkakaiba ng matalino at bobo na tao sa kwento?
Ang Pundasyon ng Buhay
Bakit sa tingin mo napakahalaga na itayo natin ang buhay natin sa matibay na pundasyon?
Sa mga anong bagay natin itinatayo ang buhay natin dito sa mundo? (e.g. relasyon, edukasyon, etc.)
Ang mga Bagyo ng Buhay
Ang malakas na ulan at hangin ang mga simbolo ng mga problema na dumarating sa ating buhay (storms of life).
Paano masisira ng mga bagyo ng buhay ang ating “bahay”?
Ask a Friend
Anu-ano ang mga pundasyon ng buhay mo?
Naging matibay ba ang foundation ng buhay sa kabila ng mga problema sa buhay?
Application
Paano mo magagawang mas matibay ang foundation ng buhay mo?
Anong parte ng buhay mo na pwede ka pang mag-depend kay God?
Prayer Model
Lord Jesus, tulungan Niyo po ako maging matalino sa paggawa ng mga importanteng desisyong sa buhay ko. Pakita mo sa akin kung anong mga pundasyon ng buhay ko ang mahina at gawin itong mas matibay habang ako ay nagtitiwala sa Inyo.