Ang pagpapakita nila Moses at Elijah sa kanilang kadakilaan kay Jesus, Peter at John ay ilan sa mga halimbawa ng muling pagkabuhay ng mga naniniwala. Habang sinasabi ni Moses at ni Elijah kay Jesus ang tungkol sa Kanyang pag-alis, nagbagong anyo si Jesus sa harap ng kanyang mga alagad. Makikita dito na natanggap na nila Moses at Elijah ang katawan ng muling pagkabuhay at samakatuwid ay nabibilang na sa mga naunang nabuhay na magmuli.
(28) Makalipas ang halos walong araw, umakyat si Jesus sa bundok upang manalangin. Isinama niya sina Pedro, Juan at Santiago.
(29) Habang siya’y nananalangin, nagbago ang anyo ng kanyang mukha at ang kanyang kasuotan ay nagningning sa kaputian.
(30) Biglang may nagpakitang dalawang lalaki, sina Moises at Elias,
(31) na ang mga anyo ay nakakasilaw din. Sila’y nakipag-usap kay Jesus tungkol sa nalalapit niyang kamatayan na magaganap sa Jerusalem.
Sino ang Mauuna at Sino ang Susunod sa Muling Pagkabuhay?
1 Corinthians 15:20-24 (RTPV05)
(20) Ngunit ngayong si Cristo’y muling binuhay, ito’y katibayan na muling bubuhayin ang mga patay.
(21) Kung paanong dumating ang kamatayan sa pamamagitan ng isang tao, gayundin naman, dumating ang muling pagkabuhay sa pamamagitan din ng isang tao.
(22) Sapagkat kung paanong mamamatay ang lahat dahil sa kanilang kaugnayan kay Adan, gayundin naman, mabubuhay ang lahat dahil sa kanilang kaugnayan kay Cristo.
(23) Ngunit ang bawat isa’y may kani-kanyang takdang panahon. Si Cristo ang pinakauna sa lahat; pagkatapos, ang mga kay Cristo sa panahon ng pagparito niya.
(24) At darating ang wakas, kapag naibigay na ni Cristo ang kaharian sa Diyos Ama, pagkatapos niyang malupig ang lahat ng paghahari, pamahalaan at kapangyarihan.
Revelations 1:5 (RTPV05)
(5) at mula kay Jesu-Cristo, ang tapat na saksi, ang panganay na anak, ang unang binuhay mula sa mga patay at pinuno ng mga hari sa lupa. Iniibig niya tayo, at sa pamamagitan ng kanyang dugo ay pinalaya niya tayo sa ating mga kasalanan.
Saan naging una si Jesus?
Luke 9:30-31 (RTPV05)
(30) Biglang may nagpakitang dalawang lalaki, sina Moises at Elias,
(31) na ang mga anyo ay nakakasilaw din. Sila’y nakipag-usap kay Jesus tungkol sa nalalapit niyang kamatayan na magaganap sa Jerusalem.
Matthew 27:52-53 (RTPV05)
(52) Nabuksan ang mga libingan at muling nabuhay ang maraming banal na namatay.
(53) Lumabas sila ng libingan, at nang muling mabuhay si Jesus, sila’y pumasok sa banal na lunsod, at doo’y marami ang nakakita sa kanila.
Sino pa ang mga nakita na sa katawan nilang nabuhay muli?
(13) Mga kapatid, nais naming malaman ninyo ang katotohanan tungkol sa mga namatay na upang hindi kayo magdalamhati tulad ng mga taong walang pag-asa.
(14) Dahil naniniwala tayong si Jesus ay namatay at muling nabuhay, naniniwala din tayong bubuhayin ng Diyos ang lahat ng namatay na sumasampalataya kay Jesus upang isama sa kanya.
(15) Ito ang katuruan ng Panginoon na sinasabi namin sa inyo: tayong mga nabubuhay pa, tayong mga natitira pa hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi mauuna sa mga namatay na.
(16) Sa araw na iyon kasabay ng malakas na utos, ng tinig ng arkanghel, at ng tunog ng trumpeta ng Diyos, bababâ ang Panginoon mula sa langit. Ang mga namatay na sumasampalataya kay Cristo ay bubuhayin muna.
(17) Pagkatapos, tayo namang mga buháy pa at natitira ay titipunin sa alapaap kasama ng mga binuhay upang salubungin ang Panginoon sa himpapawid. Sa gayon, makakapiling natin siya magpakailanman.
Kailan ito mangyayari? Sino ang mga isasama ni Jesus?
(11) Pagkatapos nito’y nakita ko ang isang malaking tronong puti at ang nakaupo doon. Naglaho ang lupa’t langit sa kanyang harapan, at hindi na nakita pang muli.
(12) Nakita kong nakatayo sa harap ng trono ang mga namatay, maging dakila at hamak, at binuksan ang mga aklat. Binuksan ang isa pang aklat, ang aklat ng buhay. Hinatulan ang mga patay ayon sa kanilang ginawa, batay sa nakasulat sa mga aklat.
(13) Iniluwa ng dagat ang mga patay na naroroon. Iniluwa din ng Kamatayan at ng daigdig ng mga patay ang mga nakalagak sa kanila. Hinatulan ang lahat ayon sa kanilang mga ginawa.
(14) Pagkatapos ay itinapon din sa lawa ng apoy ang Kamatayan at ang daigdig ng mga patay. Ang lawa ng apoy ay ang pangalawang kamatayan.
(15) Itinapon sa lawa ng apoy ang sinumang hindi nakasulat ang pangalan sa aklat ng buhay.
Ano ang mangyayari sa mga wala kay Jesus sa final judgment?
Ano ang mangyayari sa kamatayan?
Kailan Mangyayari ang Muling Pagkabuhay?
a)
(13) Mga kapatid, nais naming malaman ninyo ang katotohanan tungkol sa mga namatay na upang hindi kayo magdalamhati tulad ng mga taong walang pag-asa.
(14) Dahil naniniwala tayong si Jesus ay namatay at muling nabuhay, naniniwala din tayong bubuhayin ng Diyos ang lahat ng namatay na sumasampalataya kay Jesus upang isama sa kanya.
(15) Ito ang katuruan ng Panginoon na sinasabi namin sa inyo: tayong mga nabubuhay pa, tayong mga natitira pa hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi mauuna sa mga namatay na.
(16) Sa araw na iyon kasabay ng malakas na utos, ng tinig ng arkanghel, at ng tunog ng trumpeta ng Diyos, bababâ ang Panginoon mula sa langit. Ang mga namatay na sumasampalataya kay Cristo ay bubuhayin muna.
(17) Pagkatapos, tayo namang mga buháy pa at natitira ay titipunin sa alapaap kasama ng mga binuhay upang salubungin ang Panginoon sa himpapawid. Sa gayon, makakapiling natin siya magpakailanman.
Kailan?
b)
1 John 3:2 (RTPV05)
(2) Mga minamahal, anak na tayo ng Diyos ngayon, ngunit hindi pa nahahayag ang magiging kalagayan natin. Ngunit alam nating sa pagparitong muli ni Cristo, tayo’y matutulad sa kanya, sapagkat makikita natin kung sino talaga siya.
1 Corinthians 15:51-53 (RTPV05)
(51) Isang hiwaga ang sinasabi ko sa inyo, hindi lahat tayo’y mamamatay ngunit lahat tayo’y babaguhin,
(52) sa isang sandali, sa isang kisap-mata, kasabay ng huling pag-ihip ng trumpeta. Sapagkat sa pagtunog ng trumpeta, ang mga patay ay muling bubuhayin at di na muling mamamatay. Babaguhin tayong lahat.
(53) Ang ating katawang nabubulok ay mapapalitan ng hindi nabubulok, at ang katawang namamatay ay mapapalitan ng katawang hindi namamatay.
Gaano kabilis?
Anong Itsura ng Ating Katawan Sa Muling Pagkabuhay?
(14) Pagkasabi nito’y napalingon siya at nakita niya si Jesus na nakatayo roon, ngunit hindi niya nakilalang si Jesus iyon.
(15) Tinanong siya ni Jesus, “Babae, bakit ka umiiyak? Sino ang hinahanap mo?” Akala ni Maria, ang kausap niya’y ang hardinero kaya’t sinabi niya, “Ginoo, kung kayo po ang kumuha sa kanya, pakituro nga po ninyo sa akin kung saan ninyo siya dinala at kukunin ko.”
(16) “Maria!” sabi ni Jesus. Humarap siya at kanyang sinabi sa wikang Hebreo, “Raboni!” na ang ibig sabihi’y “Guro.”
(17) Sabi ni Jesus, “Huwag mo akong hawakan sapagkat hindi pa ako nakakapunta sa Ama. Sa halip, pumunta ka sa aking mga kapatid at sabihin mo sa kanila na aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, sa aking Diyos at inyong Diyos.”
Paano natin alam na nagbago na ang kaanyuan ni Jesus?
(38) Kaya’t sinabi ni Jesus, “Bakit kayo natitigilan? Bakit kayo nag-aalinlangan?
(39) Tingnan ninyo ang aking mga kamay at mga paa. Ako nga ito. Hawakan ninyo ako at pagmasdan. Ang multo ay walang laman at buto, ngunit ako’y mayroon, tulad ng nakikita ninyo.”
(40) Habang sinasabi niya ito, ipinapakita niya sa kanila ang kanyang mga kamay at mga paa.
(41) Parang hindi pa rin sila makapaniwala sa laki ng galak at pagkamangha, kaya’t tinanong sila ni Jesus, “May pagkain ba kayo riyan?”
(42) Siya’y binigyan nila ng isang hiwa ng isdang inihaw.
(43) Kinuha niya ito at kinain sa harap nila.
Paano natin masasabi na nagkaroon ng totoong katawan si Jesus?
(44) Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila, “Ito ang tinutukoy ko nang sabihin ko sa inyo noong kasa-kasama pa ninyo ako; dapat matupad ang lahat ng nasusulat tungkol sa akin sa Kautusan ni Moises at sa aklat ng mga propeta, at sa aklat ng mga Awit.”
(45) Binuksan niya ang kanilang pag-iisip upang maunawaan nila ang mga Kasulatan.
(46) Sinabi niya sa kanila, “Ganito ang nasusulat: kinakailangang maghirap at mamatay ang Cristo; at pagkatapos, siya’y muling mabubuhay sa ikatlong araw.
(47) Sa kanyang pangalan, ang pagsisisi at kapatawaran ng mga kasalanan ay dapat ipangaral sa lahat ng bansa, magmula sa Jerusalem.
(48) Kayo ang mga saksi sa mga bagay na ito.
(49) Tandaan ninyo, isusugo ko sa inyo ang ipinangako ng aking Ama, kaya’t huwag kayong aalis sa Jerusalem hangga’t hindi kayo napagkakalooban ng kapangyarihang mula sa langit.”
Paano natin malalaman na si Jesus ay mayroon pa ring layunin?
(35) Subalit may magtatanong, “Paano bubuhaying muli ang mga patay? Ano ang magiging uri ng katawan nila?”
(36) Hangal! Hindi mabubuhay ang binhing itinatanim hangga’t hindi iyon namamatay.
(37) At ang itinatanim ay hindi halamang malaki na, kundi binhi, tulad ng butil ng trigo, o ng ibang binhi.
(38) Ang Diyos ang nagbibigay ng katawan sa binhing iyon, ayon sa kanyang kagustuhan; bawat binhi’y binigyan niya ng angkop na katawan.
(39) At hindi pare-pareho ang laman ng mga nilikhang may buhay; iba ang laman ng tao, iba ang laman ng hayop, iba ang sa mga ibon, at iba ang sa mga isda.
(40) May mga katawang panlangit at mayroon namang panlupa; iba ang kagandahang panlupa at iba ang kagandahang panlangit.
(41) Iba ang liwanag ng araw, iba naman ang liwanag ng buwan, at iba rin ang liwanag ng mga bituin, sapagkat maging ang mga bituin ay magkakaiba ang liwanag.
(42) Ganyan din sa muling pagkabuhay. Ang katawang inilibing ay mabubulok, ngunit di mabubulok kailanman ang katawang muling binuhay;
(43) pangit at mahina nang ilibing, maganda’t malakas kapag muling nabuhay;
(44) inilibing na katawang panlupa, muling mabubuhay bilang katawang panlangit. Kung may katawang panlupa, mayroon ding katawang panlangit.
Paano natin masasabi na mas maganda ang katawan ng muling pagkabuhay kaysa sa ating natural na katawan?
May Kinalaman ba ang Paraan ng Paglibing?
(19) sa pagod at pawis pagkain mo’y manggagaling maghihirap ka hanggang sa malibing. Dahil sa alabok, doon ka nanggaling, sa lupang alabok ay babalik ka rin.”
Kung babalik din naman sa alikabok ang katawan natin, pinapabilis lamang ng cremation ang proseso.
Paano Tayo Maapektuhan Nitong Katotohanang Ito?
(3) Kaya’t ang sinumang may ganitong pag-asa ay nagsisikap na maging malinis ang pamumuhay tulad ni Cristo.
(11) Sapagkat nahayag na ang kagandahang-loob ng Diyos na nagdudulot ng kaligtasan sa lahat ng tao.
(12) Ito ang nagtuturo sa atin upang talikuran ang makamundong pamumuhay at damdaming makalaman, at upang makapamuhay tayo ngayon nang may pagpipigil, matuwid at karapat-dapat sa Diyos
(13) habang hinihintay natin ang dakilang araw na ating inaasahan. Ito ang pagbabalik ng ating dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo.
(10) Ang tanging hangarin ko ngayon ay lubusang makilala si Cristo, maranasan ang kapangyarihan ng kanyang muling pagkabuhay, makibahagi sa kanyang mga paghihirap, at maging katulad niya sa kanyang kamatayan
(11) upang ako man ay muling buhayin mula sa mga patay.
(12) Hindi sa nakamtan ko na ang mga bagay na ito. Hindi rin sa ako’y ganap na; ngunit sinisikap kong makamtan ang gantimpala sapagkat ito ang dahilan kung bakit ako’y tinawag ni Cristo Jesus.
(13) Mga kapatid, hindi ko ipinapalagay na nakamit ko na ito. Ngunit isang bagay ang ginagawa ko: nililimot ko ang nakaraan at sinisikap na marating ang layuning nais kong makamtan.
(14) Nagpapatuloy nga ako patungo sa hangganan upang makamtan ang gantimpala ng pagkatawag sa akin ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus, ang buhay na hahantong sa langit.
(9) Hindi tayo pinili ng Diyos upang parusahan, kundi upang iligtas sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
(10) Namatay siya para sa atin upang tayo’y mabuhay na kasama niya, maging buháy man tayo o patay na sa kanyang muling pagparito.
(11) Dahil dito, palakasin ninyo ang loob ng bawat isa at magtulungan kayo tulad ng ginagawa ninyo ngayon.
Ask
May mga tanong ka ba tungkol sa muling pagkabuhay ng mga naniniwala?
Application
Ayon sa aking pagkakaunawa ng muling pagkabuhay, paano dapat nito maapektuhan ang aking buhay?
Prayer Model
Lord Jesus, salamat at mabubuhay din ako muli. Salamat at binigay mo sa mga naniniwala sa iyo ang kapangyarihan ng iyong muling pagkabuhay.
Key Verse
Sinabi sa kanya ni Jesus, “Ako ang nagbibigay-buhay at muling pagkabuhay. Ang sinumang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay;