Pagdala sa Iba Kay Jesus

Pagbabahagi Mula Sa Iyong Karanasan



Ano Ang Ginawa Ni Jesus Para Sa Akin?

Makapangyarihan at mabisa ang pagkukuwento sa iba kung paano ka iniligtas ng Diyos mula sa kasalanan at kung paano Nya binago ang iyong buhay. Pwedeng gamitin ng Diyos ang iyong kwento upang maabot at maligtas ang mga tao sa paligid mo. Ini-invite tayo ng Diyos na maging bahagi ng Kanyang dakilang plano – ang ikuwento si Jesus sa ibang tao.

Ang Iyong Kwento ay Makapangyarihan

Ano ang dapat natin ikuwento sa mga tao at bakit?

Paano natin sasabihin sa ibang tao ang ating kuwento?

Ano ang pwedeng makapigil sa sa atin sa pagkwento ng ating story? Ano ang dapat nating gawin?

Anong kapangyarihan ang tinutukoy dito? At para saan ito?

Paano Ikwento Ang Iyong Story?

May 3 bahagi sa structure ng kwento ni Paul

1. Bago nya tanggapin si Jesus sa kanyang buhay:

Hindi kinuwento ni Paul ang lahat ng detalye ng mga kamaliang kanyang ginawa pero sinabi nya kung bakit nya nagawa ang mga bagay na iyon (hindi mo kelangang ikuwento ang detalye ng mga bagay na masyadong personal o mga bagay na hindi nagpapakita ng katagumpayan)

2. Nang ma-encounter si Jesus:
Ang bawat isa ay may kanya-kanyang special na kuwento kung paano nila nakilala si Jesus, kahit na hindi kasing dramatic ng experience ni Paul.

3. Ang buhay ‘nya pagkatapos niyang tanggapin si Jesus:
Paano nagbago ang buhay ni Paul?

Ano ang naging bunga ng pagbabagong buhay ni Paul?

Ask a Friend

Pwede mo bang ibahagi ang iyong kuwento? Wag mahaba ang pagkwento! (under 3 minutes lang)

Gayahin ang structure ng kwento ni Paul.

1. Bago tanggapin si Jesus:

2. Nang ma-encounter si Jesus:

3. Pagkatapos tanggapin si Jesus:

Kung may oras pa, maaari mong ibahagi ang iyong kuwento sa grupo o sa isa o dalawang tao?

Application

Paano nabago ang iyong buhay?

Ano ang naging bunga ng iyong pagbabagong buhay?

Prayer Model

Panginoon, ako ay nananalangin na magkaroon ng pagkakataon na maibahagi ko sa iba ang aking kwento. Tulungan mo ako na maging laging handa sa mga pagkakataon na darating.

Key Verse

Study Topics