Pagtatatag ng Matibay na Pundasyon

Baptism sa Tubig



Makikita sa Bible na ang pagsisisi at pananampalataya kay Jesus ang magbibigay ng kaligtasan sa tao. Kasunod nito ay ang water baptism kung saan pinapahayag natin sa mga tao ang ating pananampalataya kay Jesus Christ.

.

Sa New Testament, ang Greek word ng baptism, na ang ibig sabihin ay pagsawsaw o paglubog sa tubig, ay karaniwang ginagamit sa pang-araw-araw na buhay.

Bakit Baptism sa Tubig?

Ito ay kautusan

Binigyan tayo ng mahalagang gawain ni Jesus. Ano ito?

Sa Ilalim ng Bagong Management (Bagong May-ari)

Taga-dito tayo sa mundo dati, pero ngayon na kay Jesus na tayo!

Paano mo mailalarawan ang lumang management?

Paano mo mailalarawan ang bagong management?

Ang Ating Bagong Identity

Ang baptism sa tubig ay ang spiritual na paglibing kasama si Christ (paglubog sa tubig) at muling pagkabuhay kasama si Christ (pag-ahon mula sa tubig). Ang ating lumang pagkatao ay naiwan na sa libingan  (water).

Pagpapawalang Bisa sa Kapangyarihan ng Kasalanan

Ano ang nangyayari sa kasalanan kapag tayo ay nagpa-baptised?

Sino ang Nag-Baptise? Sino ang Nagpa-Baptise? Saan? Kailan?

Binaptise nila Peter at ng mga disciples
ang 3,000 na bagong mananampalataya sa Jerusalem.
Kailan: Kaagad-agad.

Binaptise ni Philip
ang isang Ethiopian Eunuch sa disyerto.
Kailan: Kaagad-agad.

Binaptise nila Peter kasama ng ibang mga kapatiran
ang pamilya ni Cornelius sa Caesarea.
Kailan: Mismong araw na yun.

Binaptise nila Paul at Silas
ang isang Philippian guard sa Philippi.
Kailan: Mismong oras na yun.

Makakayanan bang mag-isa ni Peter na i-baptise ang 3,000 na believers sa isang araw? Sino sa palagay mo ang tumulong sa kanya?

Sino ang na-baptise?

Saan na-baptise ang mga tao?

Kailan na-baptise ang mga tao?

Kaninong Pangalan ang ginamit sa pag-baptise?

Bakit napaka-makapangyarihan ng pangalan ni Jesus?

JSi Jesus ang kaganapan ng Diyos na nagkatawang tao. Sa Matthew 28:19, makikita ang kaganapan na ito bilang Ama, Anak at Holy Spirit.

Ask

Bakit, saan at kailan ka na-baptise?

Application

Kung naniniwala ka kay Jesus at hindi pa naba-baptise, gusto mo bang magpa-baptise?

Prayer Model

Lord Jesus, salamat po sa baptism at sa chance para ipahayag ang aming pananampalataya sa Iyo. Tulungan mo akong ma-experience ko ang kapangyarihan ng baptism.

Key Verse

Study Topics