Ang Kaisipan ng Diyos
Ang Salita ng Diyos ay maraming sinasabi about the way we think. Binigyan tayo ng Diyos ng new life at new mind. Kailangan nating i-allow ang Salita ng Diyos ang magchange ng ating pag-iisip at way of life.
Baguhin and Iyong Pag-iisip
(5) Ang mga namumuhay ayon sa hilig ng laman ay walang pinapahalagahan kundi ang mga bagay na ukol sa laman; ngunit ang mga namumuhay ayon sa Espiritu ay nagpapahalaga sa mga bagay na espirituwal.
Paano nakakaapekto ang mga bagay na kumokontrol sa pagiisip natin?
Romans 12:2 (RTPV05)
(2) Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kalooban ng Diyos; kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban niya.
Ephesians 4:23-24 (RTPV05)
(23) Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip;
(24) at ang dapat ninyong isuot ay ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, at nahahayag sa matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan.
Paano tayo binabago ng Diyos? Ano ang dapat nating gawin?
2 Timothy 1:7 (RTPV05)
(7) Sapagkat ang Espiritung ibinigay sa atin ng Diyos ay hindi espiritu ng kahinaan ng loob, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig at pagpipigil sa sarili.
Ang Kaisipan ng Diyos
1 Samuel 16:7 (RTPV05)
(7) Ngunit sinabi sa kanya ni Yahweh, “Huwag mong tingnan ang kanyang taas at kakisigan sapagkat hindi siya ang pinili ko. Si Yahweh’y hindi tumitingin nang katulad ng pagtingin ng tao. Panlabas na anyo ang tinitingnan ng tao ngunit sa puso tumitingin si Yahweh.”
Isaiah 55:8-9 (RTPV05)
(8) “Ang aking kaisipa’y hindi ninyo kaisipan, ang inyong kaparaanan ay hindi ko kaparaanan.
(9) Kung paanong ang langit ay mas mataas kaysa lupa, ang aking kaparaanan ay higit kaysa inyong kaparaanan, at ang aking kaisipan ay hindi maaabot ng inyong kaisipan.
Paano naiiba ang pag-iisip ng Diyos sa atin?
Psalms 139:13-18 (RTPV05)
(13)
Ang anumang aking sangkap, ikaw O Diyos ang lumikha, sa tiyan ng aking ina’y hinugis mo akong bata.
(14)
Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan, ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay; sa loob ng aking puso, lahat ito’y nakikintal.
(15)
Ang buto ko sa katawan noong iyon ay hugisin, sa loob ng bahay-bata doo’y iyong napapansin; lumalaki ako roong sa iyo’y di nalilihim.
(16) Ako’y iyong nakita na, hindi pa man isinilang, batid mo kung ilang taon ang haba ng aking buhay;
pagkat ito’y nakatitik sa aklat mo na talaan, matagal nang balangkas mong ikaw lamang ang may alam.
(17)
Tunay, Yahweh, di ko kayang maabot ang iyong isip, ang dami ng iyong balak ay hindi ko nababatid;
(18)
kung ito ay bibilangin, ay sindami ng buhangin, sasaiyo pa rin ako kung umaga na magising.
Jeremiah 29:11 (RTPV05)
(11) Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito’y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa.
Ano ang mga naiisip ng Diyos tungkol sa atin?
Mabuting Pagiisip
(25) “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin at sa inyong iinumin upang kayo’y mabuhay o kaya’y tungkol sa susuutin ng inyong katawan. Hindi ba’t ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit?
(26) Masdan ninyo ang mga ibon. Hindi sila nagtatanim ni umaani man o kaya’y nagtitipon sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba’t higit kayong mahalaga kaysa mga ibon?
(27) Sino sa inyo ang makakapagpahaba ng kanyang buhay nang kahit isang oras sa pamamagitan ng kanyang pagkabalisa?
(28) “At bakit kayo nababalisa tungkol sa pananamit? Isipin ninyo kung paano tumutubo ang mga bulaklak sa parang; hindi sila nagtatrabaho ni gumagawa ng damit.
(29) Ngunit sinasabi ko sa inyo, kahit si Solomon na napakayaman ay hindi nakapagdamit ng singganda ng isa sa mga bulaklak na ito.
(30) Kung dinaramtan ng Diyos ang damo sa parang, na buháy ngayon, at kinabukasan ay iginagatong sa kalan, kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya sa kanya!
(31) “Kaya’t huwag kayong mag-alalang baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit.
(32) Hindi ba’t ang mga Hentil ang nababahala tungkol sa mga bagay na iyan? Alam na ng inyong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng iyan.
(33) Ngunit higit sa lahat ay pagsikapan ninyo na kayo’y pagharian ng Diyos at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng inyong pangangailangan.
(34) “Kaya nga, huwag ninyong ikabalisa ang para sa araw ng bukas; dahil ang bukas ang bahala sa sarili nito. Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawat araw.”
Bakit hindi natin kailangan mag-alala?
Kung ang thinking natin ay sa pamamaraan ng Diyos, tayo ay magkakaroon ng kapayapaan at malalaman natin ang kalooban ng Diyos. (Philippians 4:9, Romans 12:2)
Philippians 4:9 (RTPV05)
(9) Isagawa ninyo ang lahat ng inyong natutuhan, tinanggap, narinig at nakita sa akin. Sa gayon, sasainyo ang Diyos na nagbibigay ng kapayapaan.
Romans 12:2 (RTPV05)
(2) Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kalooban ng Diyos; kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban niya.
.
I-match ang mga sumusunod na verses sa mga bagay na dapat nating iniisip.
Psalm 1:2-3 (RTPV05)
(2) Sa halip, kasiyahan niyang sumunod sa kautusan ni Yahweh. Binubulay-bulay niya ito sa araw at gabi.
(3) Katulad niya’y punongkahoy sa tabi ng isang batisan, laging sariwa ang dahon at namumunga sa takdang panahon. Ano man ang kanyang gawin, siya’y nagtatagumpay.
Psalm 119:148 (RTPV05)
(148) Hindi ako makatulog, magdamag na laging gising, at ang aking binubulay ay ang bigay mong aralin.
Philippians 2:4 (RTPV05)
(4) Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili.
Philippians 4:8-9 (RTPV05)
(8) Bilang pagtatapos, mga kapatid, dapat maging laman ng inyong isip ang mga bagay na karapat-dapat at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang.
(9) Isagawa ninyo ang lahat ng inyong natutuhan, tinanggap, narinig at nakita sa akin. Sa gayon, sasainyo ang Diyos na nagbibigay ng kapayapaan.
Colossians 3:2 (RTPV05)
(2) Ang mga bagay na panlangit ang isaisip ninyo, hindi ang mga bagay na panlupa,
Hebrews 10:24 (RTPV05)
(24) Sikapin din nating gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa at sa paggawa ng mabuti.
Kalangitan, Kawalang-hanggan (eternity)
Salita ng Diyos
Pangako ng Diyos
Ibang Tao
Pag-encourage ng Iba
Mabubuting Bagay
Pag-usapan Natin
Pwede ka bang mag-share ng story kung paano nag-bago ang iyong thinking?
Ano ano ang mga pwede mong gawin para hindi makapag-isip ng mali?
Application
(23) O Diyos, ako’y siyasatin, alamin ang aking isip, subukin mo ako ngayon, kung ano ang aking nais;
Anong part pa ng thinking mo ang kailangang baguhin?
Anong verse ang pwede mong i-apply sa kailangan pagbabago?
Prayer Model
Father God,
salamat dahil binigyan mo ako ng bagong buhay at bagong kaisipan. Tulungan mo akong baguhin kung paano ako mag-isip habang pinag-aaralan ko ang Iyong Salita.
Key Verse
Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kalooban ng Diyos; kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban niya.