Pagtatayo ng Church at ang Blessing sa Buhay Natin
Ang Tithing ay ang pagbibigay ng ating unang bahagi (10% percent) ng ating kinikita sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang church, na itinayo ng Diyos noong una pa man.
Sa ating pagta-tithe, inuuna natin ang Diyos sa ating finance. Ang ating tithe ay ginagamit sa local church, para tulungan itong lumaki upang mas maraming tao pa ang maabot at makilala kay Jesus. Dahil sa tithe, pang-habang buhay ang gamit ng ating pera.
Ipinangako ng Diyos na pagpapalain Niya tayo hanggang sa tayo ay mag-overflow! Hindi lamang sa financial kundi sa lahat ng bahagi ng ating buhay. Tayo ay pinagpala upang tayo ay maging pagpapala din sa iba.
Ang Pagpapapal ng Tithing
Bakit natin dapat dalhin ang ating tithe sa “storehouse” o local church? Ano ang ibig sabihin ng “matugunan ang pangangailan sa aking tahanan”?
Ito lamang ang talata na sinabi ng Diyos na “subukin ninyo ako sa bagay na ito” Ano ang pangako ng Diyos sa ating mga buhay?
Ang pag-honor sa Diyos ay ang pagbibigay ng best ng ating buhay pati ng ating finances. Kapag tayo ay nagbigay ng tithe, pupunuin ng Diyos ang ating mga “bodega” hanggang sa ito ay umaapaw at ang ating “sisidlan” ay mapupuno.
Ano ang ibig sabihin ng “barns” (bodega) at “vats” (lagayan) sa iyong buhay?
Mahal ng Diyos ang Masayang Nagbibigay
Pag konti ang ating tinanim, gaano karami ang ating aanihin? Ano ang mangyayari kung mag-decide tayo na magtanim ng marami?
Mahal tayo ng Diyos at nagagalak Siya kung tayo ay nagbibigay nang may kasiyahan sa puso. Hindi dapat sapilitan ang ating pagbibigay, kundi dapat tayong magbigay ng may pusong nagpapasalamat sa lahat ng ginawa ni Jesus para sa atin.
Lagi ka bang masaya kapag ikaw ay nagbibigay o nagbibigay ka ng may panghihinayang? Naisin natin na magbigay ng may kagalakan sa puso!
Sa panahon ni Paul, halos lahat ng tao ay binabayaran linggu-linggo. Sa panahon natin ngayon, maaari itong lingguhan, kada ikalawang linggo, o buwan-buwan. Bakit importante na magbigay ng panahon at maghanda na magbigay?
Ang Ating Tithes ay Banal sa Diyos
Ang tithe ng mga kinita natin, saan man nanggagaling, ay pag-aari ng Diyos. Hindi ito satin; binibigyan lang natin ng parangal ang Diyos sa pamamagitan ng pagbabalik ng kung ano ang sa Kanya.
Sinasabi sa Bible na ang ating tithe ay banal at espesyal sa Diyos. Meron itong espesyal at mahalagang kahulugan sa Diyos, kung saan pinapakita natin na number one si God sa lahat ng area ng buhay natin.
Kapag pinaparangalan natin ang Diyos gamit ang ating tithe, ginagawang banal ng Diyos ang mga natira nating kita. Ang tithe ay ang banal na ugat na namumunga ng banal na prutas sa ating buhay.
Kung nais natin na mamunga tayo ng banal na bunga o prutas sa ating buhay, ano ang kailangan nating gawin?
Ask a Friend
Simula nang mag-tithe ka, paano mo nakitang gumalaw ang Diyos na palaguin ang local church mo?
Naranasan mo na ba ang pagpapala ng Diyos sa iyong buhay? Maaari ka bang mag-share ng story kung saan kaw ay pinagpala?
Mayroon ka pa bang ibang katanungan tungkol sa tithing?
Application
Nasubukan mo na bang magtithe sa Diyos? Umpisan mong ilaan ang iyong tithes sa Diyos
Prayer Model
Panginoon, salamat sa Iyo at nais mo akong pagpalain sa aking buhay. Panalangin ko na gamitin mo ang tithes ko sa pagpapa-unlad ng Iyong church at palawakin pa ang Iyong kaharian. Tulungan mo akong mamuhay ng may kagalakan sa pagbibigay, pagpalain mo ako upang maging pagpapala ako sa iba. Sa pangalan ni Jesus. Amen.